NASIGURO ng Adamson University at defending champion National University ang playoff sa Final Four makaraang talunin ang kani- kanilang mga nakatunggali nitong Lunes sa UAAP Season 79 juniors basketball tournament sa San Juan Arena.

Pinadapa ng Baby Falcons ang UP Integrated School ,77-59, habang tinalo ng Bullpups , De La Salle-Zobel, 63-52.

Nagsanib puwersa sina Encho Serrano at Gerry Abadiano at nagtala ng kabuuang 42 puntos upang giyahan ang Adamson sa pagbangon mula sa natamong unang pagkatalo noong Sabado sa kamay ng Far Eastern University-Diliman, 73-75 at umangat sa barahang 8-1.

Namuno naman sina Winderlich Coyoca at Karl Peñano sa iniskor nilang 13 at 12 puntos ayon sa pagkakasunod para sa Bullpups upang patuloy na makatabla sa Baby Falcons.

Basketbolistang lumabag sa 'anti-drug program' ng NBA, suspendido ng 25 games, lugi rin ng ₱690M!

Napanatili naman ng Baby Tamaraws ang kanilang pagkakaluklok sa ikalawang puwesto sa pag- angat sa barahang 7-2, kasunod ng 94-51 paglampaso sa University of the East.

Sa isa pang laro, nakabalik naman sa winning track ang Ateneo matapos gapiin ang University of Santo Tomas, 81-75, at manatiling NASA ikatlong puwesto taglay ang 5-4 marka. (Marivic Awitan)