Handa si Senator Antonio Triillanes IV na magbitiw sa Senado sakaling mapatunayan ng kampo ni Pangulong Rodrigo Duterte na gawa-gawa lamang niya ang akusasyon na mayroon bilyong pera ang Presidente.

Aniya, nananatili ang kanyang hamon, at katunayan anim na buwan na siyang naghinintay para pabulaanan ito ng Pangulo.

Magugunita na bago ang halalan, ibinunyag ni Trillanes ang mga diumano’y tagong yaman ni Duterte, kabilang na ang perang nakadeposito sa sangay ng Bank of Philippine Islands sa Ortigas Center, Pasig City.

Sinabi ni Trillanes na lahat ng iniimbestigahan niya ay may patutungunguhan gaya ni dating Vice President Jejomar Binay, na kinasuhan na ng Office of the Ombudsman. (Leonel M. Abasola)

Tsika at Intriga

Negosyo, nalugi! Ken Chan, 'di raw tinatakbuhan isinampang kaso sa kaniya