MEXICO CITY (Reuters) – Limang katao ang namatay, kabilang ang mga banyaga, at 15 ang nasugatan noong Lunes ng madaling araw, nang walang habas na namaril ang isang lalaki sa isang nightclub sa Playa del Carmen resort ng Mexico habang idinaraos ang BPM electronic music festival.

Sinabi ni Quintana Roo State Attorney General Miguel Angel Pech na isang Canadian, isang Italian at isang Mexican ang kabilang sa mga namatay. Sinabi naman ng U.S. embassy sa Mexico na isang Amerikano ang namatay. Hindi pa natutukoy ang nationality ng iba pang biktima.

Nakatakas ang suspek at pinaghahanap pa. Ayon kay Pech, pumasok ang armadong lalaki sa Blue Parrot nightclub dakong 3:00 ng umaga nitong Lunes, sa closing events ng festival.
Internasyonal

Labi ng Pinoy na binitay sa Saudi Arabia, bawal iuwi sa Pilipinas; 9 na Pinoy nasa deathrow pa