BRUSSELS (AP) – Pinuna ng European Court of Auditors noong Martes ang executive branch ng European Union sa ulat na pinamagatang “Combating Food Waste,” na bumabatikos sa kakulangan ng pagsisikap ng samahan na mabawasan ang pagtatapon na pagkaian. Tinaya nito na ang EU ay nagsasayang ng 88 milyong tonelada ng pagkain bawat taon sa 510 milyong populasyon.

“The Commission is not combating the food waste effectively,” sabi ni ECA member Bettina Jakobsen, binanggit ang kawalan ng istratehiya at inspirasyon para matugunan ang problema.

Gayunman, ipinakita sa pag-aaral ng EU na halos kalahati ng nasasayang na pagkain ay maiuugnay pa rin sa kabahayan.

Inirekomenda ng ECA na padaliin ang food donations. Nahihirapan kasi ang food producers na ipamigay ang pagkain dahil sa mga isyung legal at sa buwis.

Internasyonal

Labi ng Pinoy na binitay sa Saudi Arabia, bawal iuwi sa Pilipinas; 9 na Pinoy nasa deathrow pa