NAGTUNGO sa United States Embassy last Wednesday sina Jennylyn Mercado, Dennis Trillo, Lovi Poe, Betong Sumaya at Alden Richards, para kumuha ng kanilang working visa para sa kanilang nalalapit na Sikat Ka, Kapuso concert sa Terrace Theater sa Long Beach, California sa Linggo, January 22 na produced ng GMA Pinoy TV, GMA Live TV at GMA News TV International.

Maliban kung mayroong nagbabalak mag-extend ng stay roon, nakatakda silang bumalik sa Pilipinas sa January 25.

Kailangang makabalik agad sina Jen at Dennis para muling mag-impake ng kanilang mga maleta dahil muli silang aalis papunta naman sa ilang Scandinavian countries para ma-witness ang Northern Lights or ang Aurora Borealis na lumilitaw lamang during winter season.

Gusto nilang muling mag-travel muna bago sila sumabak sa paspasang trabaho uli.

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

Nasimulan na ni Jen ang taping ng Pinoy remake ng My Love From The Star with his new leading man Gil Cuerva. At si Dennis, excited na ring muling gumawa ng telefantasya tulad ng mga ginawa niya noong bago pa lamang siya sa GMA.

Kasama siya noon sa Mulawin ni Richard Gutierrez. Ngayon, gagawin niya ang Mulawin vs. Ravena.

Wala pa kaming detalye kung sinu-sino ang makakasama ni Dennis pero ididirek daw ito ni Dominic Zapata pagkatapos ng ginagawa nitong Alyas Robin Hood ni Dingdong Dantes na napapanood gabi-gabi pagkatapos ng Encantadia. (NORA CALDERON)