Timbuwang ang dalawang drug suspect sa magkakahiwalay na engkuwentro sa Novaliches, Quezon City. Limang katao naman ang inaresto.

Kinilala ng mga pulis ang napatay sa suspek na sina Meliton Nacion, alyas “Saddam”, 39, ng Sitio Arguandiente, Barangay Sta. Monica; at Joseph Peralejo ng Bgy. Bagbag.

Pinosasan naman ng mga pulis ang kanila umanong kasabwat na sina Ernesto Delos Santos, 37; Gerry Sirnicula, 42; Rommel Nacion, 44; Norman Giray, 26; at Janno Claraval, 29.

Dakong 7:15 ng gabi, nagsasagawa umano ng ‘Oplan Galugad’ ang mga operatiba ng Novaliches Police Station (PS-4) sa kahabaan ng Lydia Street sa Sitio Arguandiente nang lapitan sila ng isang residente at ipinaalam na may nagaganap na shabu session sa bahay ni Nacion, na kabilang umano sa drug watch list.

National

Padilla, Zubiri, pinaiimbestigahan status ng implementasyon ng amnesty proclamations ni PBBM

Pinuntahan ng mga pulis ang bahay at naabutan ang nakatatandang kapatid ng biktima na si Rommel habang tumitira ng droga kasama sina Delos Santos at Sirnicula na naging sanhi ng kanilang pagkakaaresto.

Habang hinanap ng ibang operatiba ang nakababatang Nacion, nang makita sila, sunud-sunod na nagpaputok ng baril at tuluyang nagkapalitan ng bala na naging sanhi ng kanyang pagkamatay.

Samantala, bandang 9:00 ng gabi, ikinasa ng PS-4 ang buy-bust operation laban kina Paralejo, Giray at Claraval sa Biglang Awa Compound, Bgy. Bagbag. Pawa umanong kilalang pusher ang tatlo sa nasabing lugar.

(Jun Fabon at Vanne Elaine P. Terrazola)