DINOMINA ng Techwerk Basketball Club ang Guevara &Partners, Inc., sa best-of-three title series para makopo ng kampeonato sa Atlanta Pipes Basketball Championship na inorganisa ng Brotherhood Basketball League (BBL)kamakailan sa Trinity College Gym sa Quezon City.

Winalis ng Techwerk five ni Steven Lim ang serye sa impresibong 79-67 at 75-65, desisyon para makopo ang Blazemaster Division ng Atlanta cagefest.

Ginapi naman ng Eton Ball Club ni Lucio Tan ang Ironcon Builders ni Jimi Lim,74-66, sa winner-take-all ng Flowguard Division ng ligang pinamumunuan ni Atlanta Pipes president Hubert Chan kaagapay si chairman Erick Kirong ng BBL at Macway Travel Club.

Sa Duracon Division, nakabawi ang Jimi Lim’s franchise na Iron Trade matapos maungusan ang Alpha Seven, 45-42.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Ang tournament commissioner ay si Rommel Divino.

Samantala, ipinahayag ni BBL top brass Kirong na bukas na ang pagpapatala at kompirmasyon para sa mga koponang lalahok sa 2017 Brotherhood Basketball Open Invitational Tournament simula bukas. Makipag-ugnayan sa mobile No. 0917-584-0168.