UMAASA si Karla Estrada na makagawa ng pelikula kasama ang kaibigan niyang si Vice Ganda.

Mayroon na nga raw siyang konsepto sa magiging takbo ng istorya ng pelikulang pagsasamahan nila.

“Si Vice, siya ang tumawag sa akin ng ‘Barna’, talagang sinabi niya na gusto niyang mag-creatives dito kahit libre.

Sana lang matupad ang ideya naming ito.

Vic Sotto, nasaktan sa ginawa ng TAPE sa Eat Bulaga

“Sana lang din magawa ito this year kasi kailangan habang fresh pa lahat ng ideas for that,” banggit ng isa sa mga hosts ng Magandang Buhay ng ABS-CBN.

Hindi itinatago ni Karla na pinapangarap niyang maging superhero sa pelikula man o sa telebisyon.

“Gusto kong maging totoong si Wonder Woman, medyo nabusog nga lang ako nang husto. Feeling ko talaga kayang-kaya kong maging si Lynda Carter,” napatawang kuwento ng bida rin sa comedy show na Funny Ka Pare Ko with Bayani Agbayani.

Naging avid fan kasi si Karla ng Wonder Woman nang ipalabas ang series sa Pilipinas.

“Lahat gustong mag-superhero, pero nu’ng nalaman kong hindi ko na siya maa-achieve, okay na ako si Barna,” napatawang banggit pa rin ng ina ni Daniel Padilla.

Samantala, life story ni Karla Estrada ang ipapalabas this coming Saturday sa Maalaala Mo Kaya.

Si Angelica Panganiban ang gaganap bilang si Karla sa special episode na ito ng MMK.

“Actually himay na himay ‘yon kasi kung buong buhay ko ang gagawin, eh, isang mahabang pelikula na ‘yan,” sey ni Karla.

Nagpasalamat si Karla kay Angelica na pumayag na gampanan ang character niya.

“Nu’ng nalaman ko, nakausap ko siya, sobrang nag-thank you ako. Sabi niya, excited siyang gawin, kasi lahat nu’ng nabasa niya sa script ay nakukuwento sa kanya ni Daniel nu’ng magkasama sila sa Pangako Sa ‘Yo,” lahad pa ni Ms. Karla Estrada. (JIMI ESCALA)