Inaasahang magiging abala ang Gilas Pilipinas sa pagsabak nito sa matitinding qualifying event ngayong 2017.

Ito ang matinding hamon na kakaharapin ng national men’s basketball team na mas kilala sa bansag na Gilas Pilipinas.

Sisikapin ng Gilas na makabawi sa natamong kabiguan na mag-qualify sa Olympics noong nakaraang taon at hindi makaabot sa quarterfinals sa unang pagkakataon sa kasaysayan ng paglahok ng bansa sa FIBA Asia Challenge na mas dating kilala bilang FIBA Asia Cup.

Una sa dapat malagpasan ang SEABA Championship kung saan isang slot lamang ang nakalaan para sa SEABA zone para tumuntong sa 2017 FIBA Asia Cup.

Filipino Olympian Hergie Bacyadan wagi kontra Chinese kickboxer; sinungkit gintong medalya

Pinakamatinding makakatunggali ng Gilas sa torneo ang Thailand na inaasahang lalakas sa presensya ng Thai-American na si Justin Bassey at kinukuha pa nito na isang naturalized player.

Hindi pa tiyak kung bubuo ng isa pang koponan upang panatilihin ang men’s basketball crown sa Southeast Asian Games sa Agosto sa Malaysia dahil halos makakasabay ito ng pagdaraos ng FIBA Asia Cup kapag magtagumpay ang Gilas na mag qualify.

Wala pa inaanunsiyong paggaganapang lugar ang FIBA kung saan ang venue ng FIBA Challenge Cup.

Depende na rin ito sa magiging desisyon ng Samahang Basketball ng Pilipinas dahil sa unang pagkakataon, ang FIBA Asia Challenge Cup ngayong taon ay walang nakalaang kahit anong Olympic o World Cup slots maliban sa titulo na mahahawakan nila ng apat na taon.

Kasunod nito ang pagsabak nila sa qualifier ng 2019 FIBA Basketball World Cup na idaraos bago matapos ang taon.

(Marivic Awitan)