Pinanindigan ng NLEX ang kanilang bansag bilang Road Warriors nang tapusin nito ang kinasadlakang 5-game losing skid matapos gapiin ang Talk N Text, 110-98, sa isang road game na ginanap sa Angeles University Foundation Gym sa Pampanga noong Sabado.

At para kay NLEX coach Yeng Guiao, mistulang silang nabunutan ng tinik matapos makaahon sa pagkakabaon sa ilalim makaraang umangat sa barahang 2-5, panalo-talo at makaiwas na magbakasyon ng maaga sa ginaganap na 2017 PBA Philippine Cup.

“It’s a big relief after that five-game losing streak,” pahayag ni Guiao pagkaraan ng panalo.

Nagpakita ang Road Warriors ng malaking improvement kumpara sa kanilang mga nagdaang laro.

May nandura? Komosyon sa pagitan ng UP, La Salle coaches, lumala!

Katunayan, nagtala ang Road Warriors ng 110 puntos, ang pinakamalaki nilang winning score bilang prangkisa bukod pa sa 23 assist.

Ngunit para kay Guiao, wala pa silang dapat ipagsaya dahil isang panalo pa lamang ang kanilang nakamit at mahaba pa ang dapat nilang harapin.

“Malayo pa. Isang panalo pa lang ‘to. We still need to keep improving. We still need to put in the elements of our system [and] our culture,” ayon kay Guaio.

Gayunman, naniniwala siyang magandang panimula ito para sa koponan ngayong taon.

“It’s a good start for the new year. We’re hoping that this sets the tone for us for the rest of the year.”

(Marivic Awitan)