Warriors, semplang sa Grizzlies sa OT.

SAN FRANCISCO (AP) – Hindi pa tapos ang laban, hangga’t hindi tumutunog ang huling buzzer.

Pinatunayan ng Memphis Grizzlies na kayang magapi ang pinakamatikas na koponan sa liga kung magtutulungan at magtitiwala sa kakayahan ng isa’t isa.

Nakumpleto ng Grizzlies ang pinakamatikas na pagbangon sa kasalukuyang nang habulin ang 24 puntos na bentahe ng Golden State Warriors—sa harap ng nagbubunying home crowd – para maagaw ang 128-119 panalo sa overtime itong Biyernes (Sabado sa Manila) sa Oracle Arena.

Filipino Olympian Hergie Bacyadan wagi kontra Chinese kickboxer; sinungkit gintong medalya

Tinampukan ni Zach Randolph ang impresibong 16-0 run sa loob ng tatlong minuto para tapyasin ang 24 puntos na bentahe ng Warriors sa 104-102 may 5:01 sa laro.

Naagaw ng Grizzlies ang bentahe sa 108-107 mula sa free throw ni Tony Allen tungo sa huoling dalawang minute.

Nagpalitan ng puntos ang magkabilang panig para magtabala ang iskor sa 111-all. Nabigo ang Warriors na maipanalo ang huling possession sa regulation period.

Sa overtime, higit na naging masigasig sina Marc Gasol at Randolph para madiktahan ang tempo ng laro tungo sa come-from-behind na panalo.

Nanguna sina Mike Conley at Randolph sa Memphis (23-16) sa naiskor na tig-27 puntos.

Hataw si Kevin Durant sa nakubrang 27 puntos, 13 rebound at tatlong block sa Golden State (31-6).

LAKERS 127, HEAT 100.

Sa Los Angeles, kumawala si Lou Williams para sandigan ang Lakers kontra sa Miami Heat.

Kumubra si Williams ng 24 puntos para gabayan ang Lakers sa pagbawi sa kabiguan natamo sa Portland Trail Blazers para sa 14 na panalo sa 40 laro.

Nagsalansan si Luol Deng ng 19 puntos at 14 rebound, habang kumana si D’Angelo Russell ng 19 puntos.

CLIPPERS 106, KINGS 98

Sa Sacramento, ginapi ng Los Angeles Clippers, sa pangunguna ni Chris Paul na kumana ng 14 puntos at 12 assist, ang Kings.

Nasalansan ni Paul ang kabuuang 7,992 assist para makopo ang ika-10 puwesto sa all-time list at lagpasan si Rod Strickland (7,987).

Nalagpasan din ni Paul si Isiah Thomas (1,861) sa all-time steal list sa No.15 hawak ang kabuuang 1,862.

Nakopo ng Clippers ang ika-25 panalo sa 39 laro.

Nag-ambag si Austin Rivers ng 24 puntos at kumubra si DeAndre Jordan ng 20 puntos at siyam na rebound.

Nangunguna sa NBA all-time assist sina John Stockton (15,806), Jason Kidd (12,091) at Steve Nash (10,335). Sa steal nangunguna naman sina Stockton (3,265), Kidd (2,684) at Michael Jordan (2,514).

KNICKS 116, BUCKS 111

Naisalpak ni Carmelo Anthony ang go-ahead triple at nadepensahan si Giannis Antetokounmpo para sandigan ang New York Knicks kontra sa Milwaukee Bucks.