May 30, 2026

Home BALITA National

SB 11, mga tagasuporta, NBI, sila ang nanggugulo!—SP Cayetano

SB 11, mga tagasuporta, NBI, sila ang nanggugulo!—SP Cayetano
Photo courtesy: Alan Peter Cayetano (FB), Risa Hontiveros (FB)

Idiniin sa publiko ni Senate President Alan Peter Cayetano na ang mga miyembro daw ng SB 11 o “Solid Bloc 11” na binubuo ng mga miyembro ng minority bloc, mga kakampi umano nito, at ilang ahensya ng gobyerno kagaya ng National Bureau of Investigation, ang totoo raw na nanggugulo sa institusyon ng Senado. 

Matatandaang tinangkang magsilbi ng NBI ng warrant of arrest na nagmula sa inisyu ng International Criminal Court (ICC) laban kay Dela Rosa noong Mayo 11, 2026, ngunit bigo silang maproseso ang paglalapat ng kanilang tungkulin dahil matagumpay na nakaalis sa Senado ang nabanggit noong madaling-araw ng Mayo 14.

Anim na oras ito matapos ang naganap ang pagpapaputok ng baril sa Senado mula sa mga opisyal ng Senate Office of the Sergeant-at-Arms (OSAA) kontra sa NBI noong Mayo 13. 

KAUGNAY NA BALITA: Sen. Bato, 2:30 ng madaling-araw nakaeskapo sa Senado!—PNP

Noon namang Mayo 26, napilitang mag-walk out ang mga miyembro ng minorya dahil sa umano’y minamadaling pag-amyenda sa Senate Rules para payagang makaboto at makadalo ang ilang mga senador sa sesyon ng Senado sa pamamagitan ng teleconference o online. 

National

Habagat season, opisyal nang inanunsyo ng PAGASA!

KAUGNAY NA BALITA: 'Bakit kailangang madaliin?' Senate minority bloc, nagpaliwanag bakit nag-walk out!

Sa naging pahayag naman ni Cayetano sa isinagawa niyang Facebook live noong Biyernes, Mayo 29, diniin niyang hindi raw totoong magulo ang Senado. 

“Paulit-ulit sinasabing magulo ang Senate,” pagsisimula niya, “Hindi po.” 

Ani Cayetano, maituturing pa nga raw na ito ang unang beses na naging independent ang Senado mula sa pagtatalaga ng Senate President at mga komite nang hindi nakikialam ang Palasyo magmula noong 2022.

“In this administration from 2022, it’s the first time po na nagkaroon ng majority at Senate President… na wala pong kamay ang Malacañáng sa pagpili ng mga SP at mga komite,” aniya. 

Dagdag pa niya, “Ibig sabihin, I can dare say, this is the first fully independent majority.” 

Buwelta ni Cayetano, ang 11 na miyembro daw na bumubuo ng SB 11, mga kakampi umano nila, at ang NBI ang totoo raw na nanggugulo sa Senado.  

“Kaya whether you talk about the 11, ‘yong onse, or you talk about ‘yong supporters nila, or you talk about some elements in the national government, the NBI for example, sila po ang nanggugulo,” ‘ika niya. 

Diin ni Cayetano, tila hindi raw kasi komportable ang mga nabanggit na maging independent body ang Senado.

“Because hindi sila komportable na independent ang Senado,” pagtatapos pa niya.

Samantala, habang sinusulat ito, wala pa namang inilalabas na pahayag ang ilan sa mga miyembro ng minorya kaugnay sa nasaad na ito ni Cayetano. 

KAUGNAY NA BALITA: 'To protect the queen?' Ex-Sen. Gordon, binuweltang planado ng mayorya gulo sa Senado!