BINASAG ni Kim Kardashian ang kanyang pananahimik tungkol sa pagnanakaw sa kanya sa Paris sa bagong teaser ng reality show na Keeping Up With the Kardashians, nang sabihin niya sa kanyang dalawang kapatid na: “They’re going to shoot me in the back. There’s no way out.”

Napanood din siyang umiiyak na may hawak na phone sa pagkakaospital ng kanyang asawang si Kante West noong Nobyembre sa maikling clip na inilabas ng Friday by E! para sa nalalapit na March season.

“Don’t scare me, please. What’s going on?” saad ni Kim. “I think he really needs me, and I have to go home.”

Ninakawan at tinutukan ng baril si Kim noong Oktubre sa loob ng kanyang hotel room sa Paris ng mga armadong lalaki at ninakaw ng mga ito ang kanyang mga alahas at agad na tumakas. Nagbalik-tanaw siya at ikinuwento ang pangyayari sa kanyang mga kapatid na sina Khloe Kardashian at Kourtney Kardashian, dagdag niya: “It makes me so upset to think about it.”

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Ipinasok naman ang kanyang asawa sa UCLA Medical Center sa Los Angeles dahil sa sleep deprivation at pagkahapo, na nagdulot ng kanselasyon ng Saint Pablo tour nito. Hindi tiyak kung nasaan si Kim nang malaman niya ang nangyari sa asawa.

Ipapalabas na uli ang Keeping Up with the Kardashians sa Marso ngunit wala pang eksaktong araw na ipinahayag tungkol dito. (AP)