DAGUPAN CITY, Pangasinan—Isang babae ang nagpatiwakal matapos natuklasan ang pambababae ng kanyang mister.
Sa report ng local radio station, natagpuang patay si Melanie Bustillo, 33, ng barangay Mangin sa lungsod matapos magbigti gamit ang kable ng kuryente sa loob ng kanilang bahay.
Lumilitaw na nagtalo ang mag-asawa dahil sa hinilang may kalaguyo si mister.
Mas sumama ang loob ng ginang nang mabasa niya ang mga mensahe sa cell phone ng mister at kalaguyo nito.
Isang suicide note ang nakita kung saan nakasaad ang dahilan ng pagpapakamatay ni Bustillo. (Liezle Basa Iñigo)