May 22, 2026

Home BALITA National

'Hindi 'yon si Popoy!' Akbayan, pinuna quote ni Rep. Marcoleta ng linya ni Piolo Pascual

'Hindi 'yon si Popoy!' Akbayan, pinuna quote ni Rep. Marcoleta ng linya ni Piolo Pascual
Photo courtesy: MB FILE PHOTO, HOR

Agad na pinuna ng Akbayan Partylist ang naging pagbanggit ni SAGIP Partylist Rep. Paolo Marcoleta sa sikat na linya ng isang pelikula sa gitna ng pagdinig ng House Committee on Justice kaugnay sa impeachment cases laban kay Vice President Sara Duterte. 

Sa naturang pagdinig, nagawang hamunin ni Marcoleta sa kaniyang manipestasyon na buksan ng mga miyembro ng House Committee on Justice ang kahong mula Bureau of Internal Revenue (BIR) na naglalaman ng records nina VP Sara at mister nitong si Atty. Manases “Mans” Carpio. 

Aniya, sinabi raw ni Popoy, pinagbidahan ni John Lloyd Cruz sa “One More Chance,” ang linyang “I deserve an explanation, I deserve an acceptable reason.” 

“Sinabi rin po ni Popoy sa pelikula, ‘I deserve an explanation, I deserve an acceptable reason!’ Siguraduhin n’yo po na kung bubuksan n’yo yan, meron po kayong acceptable reason na naaayon sa batas,” aniya. 

Ayon naman sa naging buwelta ng Akbayan sa kanilang Facebook post nitong Miyerkules, Abril 29, 2026, sinabi nilang hindi ang karakter na si Popoy ang nagbanggit ng naturang linya. 

National

PNP, susunod sa kautusan ng DOJ na ipatupad arrest warrant ng ICC vs Sen. Bato

“HINDI YON SI POPOY!” pagsisimula nila. 

Anila, sablay pa rin daw kahit sa pagbabanggit ng linya sa pelikula si Marcoleta. 

“Pati ba naman sa pag-quote ng pelikula, sablay si Congressman Premonition?” patutsada nila. 

Mapapanood sa video ng Akbayan na si Ultimate Heartthrob Piolo Pascual ang nagbanggit ng naturang linya sa pagganap niya bilang si Marco sa pelikulang “Starting Over Again” noong 2014. 

“We deserve an explanation. We deserve a competent congressman!” tuligsa at pagtatapos pa nila. 

Samantala, habang sinusulat ito, wala pa namang inilalabas na komento, reaksyon, o tugon si Marcoleta kaugnay rito. 

KAUGNAY NA BALITA: 'Magreklamo na sila!' Rep. Luistro, bumanat sa kampo ni VP Sara

KAUGNAY NA BALITA: VP Sara, 'di ulit sumipot sa pagdinig ng House Committee on Justice