MULING bumalik sa social media nitong Martes ang reality television star na si Kim Kardashian pagkaraan ng ilang buwang pananahimik. Nag-post siya ng larawan kasama ang kanyang asawa na si Kanye West at ang kanilang dalawang anak.

Nag-post din si Kardashian, na may 43.9 million followers a Twitter at 89.6 million sa Instagram, ng video ng kanilang tahanan kasama ang kanyang pamilya na tumapos sa mga haka-haka tungkol sa umano’y pakikipaghiwalay niya sa asawa.

Makikita sa video na niyayakap ng mag-asawa ang kanilang dalawang anak na sina North at Saint.

May caption na “family” ang ipinost na larawan ni Kim sa Twitter.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Nagpalit din ng profile picture sa Twitter at Instagram ang 36-anyos na star ng Keeping Up With the Kardashians nitong Martes. Matagal siyang nagpahinga sa social media simula nang manakawan at matutukan ng baril sa Paris noong Oktubre.