ISULAN, Sultan Kudarat — Mayroon nang bagong pinuno ang Regional Peace and Order Council (RPOC) sa Soccsksargen na kapalit ni South Cotabato Gov. Daisy Avance Fuentes.

Nakalap ng Balita sa isang source na itinalaga ni Pangulong Duterte si Gobernor ng Sultan Kudarat Sultan Pax S. Mangudadatu bilang pinuno ng konseho.

Ayon sa source, tiwala ang Pangulo sa kakayahan at mahabang karanasan ni Mangudadatu upang gampanan ang tungkulin sa RPOC.

Sa isang panayam, sinabi ni Mangudadatu bilang pinuno ng RPOC tututukan niya ang kapayapaan, paglaban ng kriminalidad, aksiyon laban sa kurapsiyon at ang kampanya laban sa ilegal na droga.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Siyam na taong gobernador si Mangudadatu hanggang 2007 bagong naging kongresista sa unang distrito ng isang termino.

Muli siyang nahalal bilang gobernador noong 2016.

“Hindi ko hangad ang kaguluhan at sa abot ng aking makakaya ay pagtuunan ko ng pansin ang malinaw na hamon ng kasalukuyang administrasyon na malinaw akong naniniwala sa programa nito” pahayag ni Mangudadatu. (Leo P. Diaz)