Mga Laro Ngayon

(San Juan Arena)

8:30 n.u. -- EAC vs Lyceum (jrs/m/w)

1:00 n.h. -- Arellano vs JRU (w/m)

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

MAKAPAGSOLO sa ikalawang posisyon sa women's division at makasalo naman sa liderato ng men's division ang tatangkain ng Arellano University sa pakikipagtuos sa Jose Rizal University sa pagbabalik ng aksiyon ng NCAA Season 92 volleyball tournament ngayon sa San Juan Arena.

Makakaduwelo ng Lady Chiefs ang Lady Bombers ganap na 1:00 ng hapon, habang magkakasubukan ang Chiefs at Heavy Bombers sa tampok na laro sa 3:00 ng hapon.

Mauuna rito, magtutuos ang juniors, seniors at women's squads ng Emilio Aguinaldo College at Lyceum of the Philippines University kung saan pag- aagawan ng kapwa Cavite-based Brigadiers at Junior Pirates ang liderato sa junior division sa kanilang pagtutuos sa pambungad na laro ganap na 8:30 ng umaga.

Kasalukuyang magkasalo sa ikalawang puwesto ng women's division ang Lady Chiefs at defending champion College of St.Benilde Lady Blazers hawak ang parehas na barahang 4-1, sa likod ng nangungunang San Sebastian College (5-0).

Ssikapin ng Lady Bombers na umangat mula sa kinalalagyang ika-6 na posisyon taglay ang markang 2-3.

Nasa three- way tie naman sa second spot kasalo ng University of Perpetual Help at St.Benilde ang Chiefs bitbit ang kartadang 4-1, isang panalo ang pagkakaiwan sa namumunong San Beda (5-1) kabaligtaran ng markang hawak ng kanilang katunggaling Heavy Bombers (1-4).

Sa unang duwelo, magkasunod sa 1-2 spot ang EAC - ICA at Lyceum taglay ang barahang 4-0 at 3-0, ayon sa pagkakasunod.

(Marivic Awitan)