Walang Pilipino na nasugatan o namatay sa pamamaril sa isang nightclub sa Istanbul, Turkey na ikinamatay ng 39 na katao, sinabi ng Department of Foreign Affairs (DFA) kahapon.

“So far, there are no reports of any Filipino casualty in the Istanbul nightclub shooting,” pahayag ni DFA Spokesman at Assistant Secretary Charles Jose.

Ayon kay Jose, sinuyod ng mga tauhan ng Philippine embassy ang lahat ng ospital na pinagdalhan ng mga biktima gayundin ang mga punerarya upang alamin kung mayroong Pinoy, at napatunayang wala. (PNA)

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter