PINARANGALAN nitong nakaraang Sabado si Victoria Beckham ni Queen Elizabeth ng Order of the British Empire (OBE) para sa kanyang mga ginawa bilang fashion designer.

Tumanggap din ng OBE noong 2003 ang asawa ng dating Spice Girl na si David Beckham.

Hindi lang ang Beckhams ang kinilala sa New Year’s Honor list ng Reyna, bilang pagdiriwang sa mga taong may mahahalaga at makabuluhang kontribusyon sa lipunan, negosyo, o kultura.

Ngayong taon, pinarangalan din si Mark Rylance, na nanalo ng supporting actor sa Oscar 2016 para sa Bridge of Spies, ng knighthood for services to the theater, at nakatanggap din ng OBE for services to drama si Naomie Harris.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Bagamat hindi pa direktang nagbibigay ng komento si Beckham tungkol sa bagong parangal, ginamit niya ang Twitter noong Sabado para pasalamatan ang lahat ng tumulong sa kanya upang maging katangi-tangi ang taong ito.

“Thank u to everyone who helped make this year so special! Hope everyone has a wonderful start to 2017 – Happy New Year fashion bunnies!!” nakasaad sa kanyang caption sa nakatutuwang video ng mga larawan niya.

(Entertainment Tonight)