JAKARTEA (Reuters) – Limang katao ang namatay noong Linggo matapos masunog ang isang bangka na nagdadala ng mga turista sa mga isla sa hilaga ng Jakarta, ang kabisera ng Indonesia, sinabi ng mga awtoridad.

Bukod sa limang nasawi, 17 katao pa ang nagtamo ng mga pinsala, sinabi ni Ferry Budiharso, tagapagsalita ng Thousand Island police, ang lugar kung saan patungo ang bangka.

Sinabi ng pinuno ng Jakarta search and rescue agency na 98 katao na ang nailigtas.

Nagliyab ang bangkang Zahro Express, ilang sandali matapos umalis sa Muara Angke port sa North Jakarta nitong Linggo ng umaga dahil sa short circuit sa power generator ng bangka.

Internasyonal

‘Doraemon’ voice actor Nobuyo Oyama, pumanaw na