CAUAYAN CITY, Isabela - Nasa 100 pamilya na ang inilikas sa Benito Soliven at Cauayan City sa Isabela dahil sa baha at posibilidad ng landslide.

Nagtutulungan na rin ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC), DART Rescue 831, katuwang ang Philippine Army at pulisya sa pagpapatupad ng preemptive evacuation.

Hinimok na lumikas ang nasabing mga pamilya upang makaiwas sa banta ng landslide na dulot ng tuluy-tuloy na pag-ulan.

Nakatuloy ngayon ang mga pamilyang inilikas sa pansamantalang evacuation center at nabigyan na rin ng relief goods ng pamahalaang panglalawigan.

Probinsya

Tinderang tumaga sa aspin na nagnakaw umano ng karne, timbog!

Nagpatupad rin ng forced evacuation ang pamahalaang lungsod ng Cauayan sa mga apektadong residente sa Sipat Street District 3 at sa iba pang mabababang lugar.

Binuksan na rin ang FL Dy Coliseum para sa tumanggap ng evacuees at nakahanda na rin ang ayuda ng City Social Welfare and Development Office. (Liezle Basa Iñigo)