RIO DE JANEIRO (Reuters) – Umamin ang isang pulis sa Rio de Janeiro na pinaslang niya ang ambassador ng Greece sa Brazil. Sinabi ng mga imbestigador nitong Biyernes na ang “cowardly act” ay iniutos ng asawang Brazilian ng diplomat na kalaguyo ng pulis.
Si Ambassador Kyriakos Amiridis, 59, ay nawawala noon pang Lunes ng gabi. Iniulat ni Françoise, ang asawa niyang Brazilian at ina ng kanyang 10-anyos na anak na babae, ang kanyang pagkawala noong Miyerkules.
Umamin si Officer Sergio Moreira, 29, sa pulisya noong Biyernes na pinatay niya ang ambassador noong Lunes ng gabi sa tahanan ni Amiridises sa Nova Iguaçu, Rio de Janeiro.
Nasa kustodiya na ngayon ng pulisya ang sina Françoise, 40, at Moreira. Idinetine rin ang pinsan ni Moreira na si Eduardo Moreira de Melo, 24, nagsilbing lookout habang isinasagawa ang krimen at tumulong sa pagbuhat ng bangkay palabas ng bahay. Pinangakuan siyang babayaran ng 80,000 reais ($25,000).