NAG-ISLAND hopping si Lovi Poe at ang rumoured boyfriend niyang si Chris Johnson sa Thailand. Mananatili sila sa naturang bansa hanggang New Year.

Sa pictures na ipinost ni Lovi sa social media, nakapunta na sila sa Phuket, Bamboo Island, at Phi Phi Islands.

Sa Bamboo Island kuha ang picture na ito ni Lovi na naka-two-piece swimsuit na umabot sa 29,474 ang likes as of Wednesday. Ibig sabihin, nagustuhan ang kanyang picture na litaw ang kaseksihan. May nag-comment nga na si Lovi lang ang flat-chested na sexy pa rin.

Napansin lang namin na foreigners ang ilan sa mga kasama ni Lovi sa bakasyon nila ni Chris sa Thailand. Mukhang relatives ni Chris ang mga ito dahil magkakamukha.

Tsika at Intriga

Doc Willie Ong, napatawad na ba mga bagets na nam-bash sa kaniya noon?

Ano ‘yun, meet the relatives na rin ang drama nila?

Bumawi at babawi pa ng lakas si Lovi at mag-a-unwind dahil napagod sa pagganap sa role ni Joanna sa Someone To Watch Over. Nitong mga natitirang linggo ng airing ng family drama, wala siyang ginawa kundi umiyak at para hindi maubusan ng tubig sa katawan, inom siya nang inom ng liquid.

Ang konsuwelo ni Lovi at ni Tom Rodriguez na rin, nagustuhan ng viewers ang Someone To Watch Over Me kahit gabi-gabi silang umiiyak at nananakit ang dibdib sa awa kina Joanna at TJ (Tom). (Nitz Miralles)