IPINAGDIWANG ng Pentatonix ang holidays sa pangunguna sa Billboard 200 album charts, ayon sa datos mula sa Nielsen SoundScan nitong Martes.

Nakabenta ng 206,000 units ang grupong nagmula sa Texas ngayong linggo at pasok naman sa ikalimang puwesto ang 2014 holidays release nila na That’s Chirstmas To Me sa naibentang 77,000 units.

Itinatala ng Billboard 200 ang album chart mula sa album sales, song sales (10 kanta katumbas ang isang album) at streaming activity (1,500 steams katumbas ng isang album).

Nasa ikalawang puwesto ang 24K Magic ni Bruno Mars, at pumangatlo naman ang Starboy ng Canadian Rapper na The Weeknd.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Nanguna rin ang dalawang mang-aawit sa digital songs chart, na sumusukat ng online song sales. Nasa unang puwesto ang Starboy, at nasa ikalawang puwesto ang 24K Magic ni Mars. (Reuters)