Nagtakda ng bagong deadline ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) para sa pagpapapalit ng lumang pera.

Sa halip na hanggang Disyembre 31, 2016, pinalawig ng BSP ang deadline sa pagpapapalit ng lumang banknotes hanggang sa Marso 31, 2017.

Ayon kay BSP Deputy Governor Nestor Espenilla, ang pagpapapalit ng lumang pera ay maaaring gawin sa mga awtorisadong bangko ng BSP.

Gayunman, nilinaw ni Espenilla na salig sa desisyon ng Monetary Board, iyon lamang pagpapapalit sa new design series ang pinalawig at sa pagpasok ng Enero 1, 2017 ay wala nang halaga ang mga lumang pera.

National

Magnitude 4.2 na lindol, yumanig sa Batanes

Ibig sabihin, ang mga lumang pera ay hindi na maaaring tanggaping kabayaran sa alinmang transaksiyon simula sa susunod na taon. (Beth Camia)