NAKATAKDANG tumulak patungong Thailand si volleyball star Alyssa Valdez upang maglaro sa Thai club team 3BB Nakornnont.

Wala pang pormal na kontrata ang three-time UAAP MVP sa Thai club, ngunit ipinahayag na ng koponan ang kasunduan sa 23-anyos na dating Ateneo mainstay bilang import ng koponan sa pagsisimula ng second round ng Thailand League at Thai-Denmark Super League sa Marso.

“I thank 3BB Nakornnont for giving me the opportunity to join them next year,” pahayag ni Valdez. “We are still threshing out details as of now, but I will be flying to Thailand on January 15 to begin preparing for a tournament starting January 29.”

Inaasahang mas lalakas ang kampanya ng 3BB Nakornnont sa pagdating ni Valdez.

Philippine Dragon Boat Team, sumungkit ng 8 ginto sa World Championship!

“I am very excited about this and hope that this’ll open doors for more Filipino volleyball players to get the chance to play overseas,” pahayag ni Valdez.

“This is a blessing that has been very timely as we celebrate Christmas season. I’d like to request your prayers and support since this is a challenge I’ve never encountered before.”

Makakasama ni Valdez sa koponan ang dating kasangga sa 13th V-League Reinforced Conference na sina Kanjana Kuthaisong at Nattanicha Jaisaen. Pinangunahan ng tatlo ang matikas na kampanya ng Bureau of Customs sa ikalawang puwesto kontra Pocari Sweat Lady Warriors.