MOSCOW (AP) – Bumulusok ang isang Russian passenger plane na may sakay na 92 katao, sa Black Sea nitong Linggo ilang minuto matapos itong lumipad mula sa resort city ng Sochi.

Sakay ng Tu-154, na pag-aari ng Defense Ministry, ang pamosong Alexandrov choir para sa concert sa Russian air base sa Syria, sinabi ng ministry. Kasama rin sa flight ang siyam na Russian journalist.

May kabuuang 84 na pasahero at walong crew ang sakay ng eroplano nang mawala ito sa radar ilang minutu matapos lumipad. Natagpuan ng emergency services ang mga pira-pirasong bahagi nito may 1.5 kilometro mula sa dalampasigan sa lalim na 165-230 feet. Wala pang balita kung may nakaligtas.

Internasyonal

Labi ng Pinoy na binitay sa Saudi Arabia, bawal iuwi sa Pilipinas; 9 na Pinoy nasa deathrow pa