TAYSAN, Batangas - Patay ang isang barangay kagawad habang sugatan naman ang isang municipal councilor matapos silang pagbabarilin habang nag-iinuman sa Taysan, Batangas, nitong Huwebes ng gabi.

Dead on arrival sa Maderazo Hospital si Mario Austria, 48, kagawad ng Barangay Bucal, habang ginagamot pa sa ospital si Luis Favorito, 56, konsehal ng Taysan.

Nasa kustodiya na ng pulisya si Buenaventura Delizo, 63 anyos.

Ayon sa report ni PO2 Frederick Caraan, dakong 11:40 ng gabi at nag-iinuman ang mga biktima sa bahay ng isang Terso Banaag nang dumating si Delizo na armado ng .9mm na baril.

Probinsya

Lalaking kusa umanong tumalon sa kulungan ng buwaya, sinakmal!

Pinagbabaril umano ng suspek ang mga biktima, at nasapol ng bala sa dibdib si Austria habang sa beywang naman ang tama ni Favorito.

Tumakas ang suspek subalit naaresto rin sa follow-up operations ng pulisya, at nabawi rin sa kanya ang ginamit nab aril.

Inaalam pa ang motibo sa krimen. (Lyka Manalo)