RATSADA si Matthew Wright sa nakubrang team-high 22 puntos, kabilang ang krusyal na opensa sa kritikal na sandali para sandigan ang Phoenix Fuel Masters sa 94-90 panalo kontra Meralco Bolts Miyerkules ng gabi sa OPPO-PBA Philippine Cup elimination sa The Arena sa San Juan.

Hataw si Wright ng 14 puntos sa final period, tampok ang tatlong free throws at dalawang mkrusyal na rebound para selyuhan ang Phoenix sa ikatalong panalo.

Natuldukan ng Fuel Masters ang two-game slide para sa 3-3 karta at makasingit sa top eight na aabante sa playoffs pagkatapos ng 11-game eliminations.

6 koponan nagbabalak ligwakin ang PVL; lilipat daw sa bagong liga?

“I’m just relieved,” pahayag ni Phoenix coach Ariel Vanguardia. “We lost the last two games by an average of 31 points and those have given us tremendous pressure. It’s like sleepless nights for all of us.”

Pinangunahan ng game-high 24 points off the bench ni rookie Jonathan Grey ang Bolts, habang may 15 puntos si Reynel Hugnatan at nagsumite ng double-double -- 12 puntos at 11 rebound - si Cliff Hodge.

Si Chris Newsome na nag-a-average ng 18.25 points ay nalimita¬han lang sa kakarampot na two points sa 1 for 9 shooting bagama’t may eight assists at five boards sa Meralco.