CAMP VICENTE LIM - Dalawang katao ang namatay habang sugatan ang isa pa sa pamamaril sa kasagsagan ng Simbang Gabi sa Biñan, Laguna nitong Miyerkules.
Ayon sa report ng Laguna Police Provincial Office (LPPO), dakong 10:00 ng gabi nang pagbabarilin malapit sa San Antonio Parish Church sa Barangay San Antonio si Allan Fernandez, na umano’y kabilang sa drugs watchlist ng pulisya.
Tinamaan naman ng ligaw na bala sina Christine Joy Sailog at Rowena Flores.
Isinugod sa magkakaibang ospital ang mga biktima, subalit kapwa dead on arrival sina Fernandez at Sailog.
(Lyka Manalo)