MAGSISIMULA ang ika-17 anibersaryo ng pagkatatag ng Macau Special Administrative Region sa opisyal na flag raising ceremony. Magkakaroon din ng sport at art show na magtatampok sa mga atleta, artist, at pagtatanghal ng top local artists. Sa pagtatapos ng event, magkakaroon ng fireworks display sa Macau Tower seafront.

Kilala rin ang Macau Special Administrative Region Establishment (SARE) Day bilang Macau SARE Day na ipinagdiriwang tuwing Disyembre 20 ng bawat taon. Ginugunita nito ang pagpapalit ng Macau mula sa pagiging kolonya ng Portugal sa pagiging special administrative division ng People’s Republic of China.

Pagkatapos ng Carnation Revolution noong 1974 sa Portugal, napagdesisyunan ng bagong gobyerno nito na isuko ang kanilang lahat na ari-arian sa ibang bansa. Noong 1976, pinangalanan ng Lisbon ang Macau bilang “Chinese territory under Portuguese administration” at pinagkalooban ng administrative, financial, at economic autonomy. Noong Hunyo 1986, nagsimula ang negosasyon ng gobyerno ng China at Portugal para sa pagkakaloob ng soberanya sa Macau. Lumagda ang China at Portugal ng Joint Declaration noong 1987, ang pagsasailalim sa Macau bilang special administrative region ng China. Nagkaroon ng pormal na soberanya ang gobyerno ng China sa Macau noong Disyembre 20, 1999.

Mayroong codified constitution ang Macau na tinatawag na Basic Law na nagbibigay sa rehiyon ng awtonomiya, hiwalay na sistemang political, at capitalist economy sa ilalim ng prinisipyong “one country, two systems” na nagpapahintulot sa Macau na magkaroon ng “broad but limited autonomy in most of its governing and economic activities.” Ang diplomatikong ugnayan at depensa sa Macau ay tungkulin ng Central People’s Government ng PRC.

Night Owl

Marupok ang demokrasya—ngunit nasa mamamayan ang tunay na lakas nito

Binubuo ang Macau Special Administrative Region ng maliit na peninsula sa mainland China, sa kabilang bahagi ng Pearl River Delta mula Hongkong, na isa ring administrative region ng greater China. Ito ay may mayamang kultura na pinaghalong impluwensiya ng Portuguese at Chinese. Tinagurian ito bilang “Las Vegas of Asia” dahil sa malalaking casino at mga mamahaling mall. Pinamamayanihan ng service sector partikular ng turismo at gaming industry ang ekonomiya ng Macau, na may malaking ambag sa Gross Domestic Product ng rehiyon. Kabilang sa mga yumayabong na industriya rito ang textiles, electronics, at mga laruan.

Binabati namin ang mga mamamayan at gobyerno ng Macau Special Administrative Region sa pangunguna ni Macau Chief Executive Fernando Chui Sai On, at President Xi Jinping ng People’s Republic of China Chief of State sa pagdiriwang ng kanilang ika-17 anibersaryo ng Establishment Day of the Macau Special Administrative Region.