kapamilya-teen-stars-yves-loisa-nash-alexa-ylona-bailey-sharlene-jairus-andrea-and-graeSANIB-PUWERSANG ipinadama ng mahigit sa 200 ABS-CBN stars ang diwa ng Pasko sa kanilang pagtitipun-tipon bilang isang buong pamilya sa Isang Pamilya Tayo Ngayong Pasko: The ABS-CBN Christmas Special na napanood ang unang bahagi kagabi at huling bahagi ngayong gabi.

Panay ang hiyawan at masigabong palakpakan ng libu-libong fans sa Araneta Coliseum habang nanonood sa pasasalamat ng Kapamilya stars sa walang sawang pagsuporta ng televiewers.

“Ang Pasko, gaya ng pagbabago, ay permanente sa ating mundo. Kaya ngayong Pasko, sama-sama tayo bilang isang pamilya kahit ano pa mang nagbago sa ating paligid at sa ating lipunan,” sabi ng ABS-CBN chairman na si Gabby Lopez.

Nagpasalamat din ang ABS-CBN chief content officer na si Charo Santos-Concio sa pagmamahal ng mga manonood nitong mga nagdaang taon.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

“Lubos akong nagpapasalamat sa mga totoong kuwento ng inyong buhay na patuloy ninyong ibinabahagi sa amin sa pamamagitan ng MMK sa loob ng 25 taon. Ang inyong mga kuwento ay nagbigay inspirasyon sa amin na maging matatag sa kabila ng hirap ng buhay,” mensahe ni Charo.

“Sa dami ng mga pagbabago, pagsubok, at hindi pagkakaintindihan na pinagdaanan natin ngayong 2016, makakaasa kayong may pag-asa pa rin tayo para sa bayan at para sa pamilya natin,” sabi naman ni ABS-CBN Preisdent Carlo Katigbak. “Ang bawat Pasko ay may kahulugan kung ipagdiriwang natin ito bilang isang pamilya.”

Nagsama-sama sa iisang entablado ng tatlo sa pinakasikat na love teams ng bansa, ang KathNiel (Kathryn Bernardo at Daniel Padilla), JaDine (James Reid at Nadine Lustre), at LizQuen (Liza Soberano at Enrique Gil), pati na rin ng hottest leading men ng ABS-CBN na sina Piolo Pascual, John Lloyd Cruz, Jericho Rosales, Zanjoe Marudo, Xian Lim, Gerald Anderson, at iba pang naggaguwapuhang aktor ng Dos.

Hindi rin dapat palampasin ang mga bida ng FPJ’s Ang Probinsyano na pinangungunahan ni Coco Martin kasama sina Awra Briguel at Onyok Pineda, at ang cast ng Banana Split, Home Sweetie Home, at Goin’ Bulilit.

Dapat ding abangan ang It’s Showtime family na maghahatid ng good vibes sa mga manonood, ang matinding bakbakan sa kantahan ng ‘Tawag ng Tanghalan’ finalists at ang ASAP Birit Queens at ASAP Soul Sessions.

Magpapakilig din ang teen idols na sina Bailey May, Ylona Garcia, Joshua Garcia, Julia Barretto, Ronnie Alonte, Jairus Aquino, Sharlene San Pedro, at iba pang sikat ng teen stars.

Bukod sa mga sikat na artista, itatampok din ang mga kuwento ng iba’t ibang pamilya na kapupulutan ng aral at magbibigay inspirasyon sa mga manonood.

Huwag palampasin ang Isang Pamilya Tayo: The ABS-CBN Christmas Special ngayong gabi pagkatapos ng Wansapanataym Presents: Santi Cruz is Coming to Town sa ABS-CBN o sa ABS-CBN HD (SkyCable ch 167).