BAKBAKAN sa nag-iisang winner-take-all event ang lahat ng racing aficionados ngayong hapon sa pagsisimula ng MetroTurf Christmas Super Weekend sa MetroTurf Racing Complex sa Malvar, Batangas.

Tumataginting na P1.8-million ang carry-over sa nag-iisang WTA event na paglalabanan ngayong hapon sa loob ng 10 exciting races na binuo ng Metro Manila Turf Club.

Maraming racing fans ang nagsasabing balikatan ang halos lahat ng karerang paglalabanan ngayong hapon kaya naman halos lahat ng nakadeklara kabayo ay may malaking tsansang manalo.

“Masyadong maganda ang inilatag na lineup ng handicapping section ng MetroTurf kaya naman ngayon pa lang ay pinag-aaralan na ng mga eksperto kung paano kukuha ng mananalo sa bawat karerang kasama dyan sa WTA. Tiyak kami na dudumugin ng husto ang takilya nyan at lolobo ang grose ng nag-iisang WTA ng MetroTurf,” sabi ng isang racing aficionado.

Muntik mag-suntukan! Beermen vs Taoyuan, nagkainitan sa PBA-EASL

Sa Races 3-9 ang WTA kaya maraming oras ang puwedeng gawing pag-aaral ng mga kursunada dahil alas-11 pa lang ay bukas na ang mga OTBs pati na ang kinahuhumalingang MetroTurf Fastbet kaya puwede nang tumanggap ng mga taya.

May matinding pa-raffle naman ang Karera Station Association of the Philippines (KASAPI) na 12 motorsiklo para sa kanilang “P20 Mo Manalo ng Motorsiklo!” na gagawin kada karera ngayong hapon. (Angie Oredo)