June 02, 2026

Home BALITA National

Ping, pinasaringan si Marcoleta sa 'di pagbira ni Remulla kay Cayetano

Ping, pinasaringan si Marcoleta sa 'di pagbira ni Remulla kay Cayetano
Photo courtesy: File Photo

Sinagot ni Sen. Panfilo “Ping” Lacson si Sen. Rodante Marcoleta kaugnay sa tila paninisi ng huli sa mga miyembro ng minority bloc matapos daw na hindi kumibo ang mga ito sa paninigaw ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Sec. Jonvic Remulla kay Senate President Alan Peter Cayetano. 

Matatandaang tila naging mainit kasi ang tensyon sa pagitan nina Remulla at Cayetano kaugnay sa naging pagtugis ng mga awtoridad kay Sen. Jinggoy Estrada sa Senado noong Lunes, Hunyo 1, 2026. 

KAUGNAY NA BALITA: ‘I stand my ground!’ Sen. Jinggoy, niligawan daw ng minority bloc kapalit ng pag-abswelto sa kaso

Sa naging pahayag kasi ni Marcoleta sa panayam sa kaniya ng isang radio station nitong Martes, Hunyo 2, sinabi niyang tila sumama raw ang loob niya sa naging pagtrato ng mga awtoridad sa kanilang mga miyembro ng Senate majority bloc.

“‘Yong damdamin ko kahapon ang namayani. Bakit ganito na ang pagtrato sa amin? Minaliit kaming masyado,” ani Marcoleta. 

National

Padilla, kumuda sa kinaharap na kaso ni De Lima kumpara kay Bato!

Dagdag pa niya, “Pagkatapos sila [minority bloc], wala man lang pinakita na protesta, halimbawa, h’wag mo naman sisigawan ang Senate President namin.” 

KAUGNAY NA BALITA: Himutok ni Sen. Marcoleta: ‘Minaliit kami!’

Ayon naman sa naging tugon ni Lacson sa kaniyang social media post, partikular sa kaniyang “X” account, nito ring Martes, kinuwestiyon niya si Marcoleta kung kasalanan pa ba raw nilang minorya ang naging tensyon sa pagitan nina Remulla at Cayetano noong Lunes. 

“So, kasalanan pa ng minority bloc na hindi nag-protesta dahil sinigawan ang Senate President natin?” buwelta niya. 

Screenshot mula sa “X” post ni Lacson.

Pagpapatuloy ni Lacson, “damn your damdamin” daw ni Marcoleta at nagpapasalamat pa nga raw silang minorya dahil hindi binigwasan ng suntok ni Remulla si Cayetano sa inasal ng huli noong naganap ang eskandalo.

“Actually, laking pasasalamat nga namin na hindi siya binigwasan ni Sec Jonvic dahil sa inasal niya kahapon. Damn your damdamin,” pagtatapos pa niya. 

Samantala, habang sinusulat ito, wala pa namang inilalabas na bagong pahayag o reaksyon si Marcoleta kaugnay rito. 

KAUGNAY NA BALITA: Sen. Ping, binuweltang 'di puwedeng panangga Senado sa batas!