June 02, 2026

Home BALITA National

Sen. Ping, binuweltang 'di puwedeng panangga Senado sa batas!

Sen. Ping, binuweltang 'di puwedeng panangga Senado sa batas!
Photo courtesy: Senate of the Philippines

Pinalagan ni Sen. Panfilo “Ping” Lacson ang panawagan ni Senate President Alan Peter Cayetano na magkaisa ang majority at minority para ipagtanggol daw ang kasarinlan ng Senado. 

Matatandaang iginiit ni Cayetano noong Lunes, Hunyo 1, 2026, na kapantay raw na sangay ng pamahalaan ang Senado at hindi raw dapat ito ituring na tropeo o gantimpalang maaaring angkinin ng sinoman.

Apela ni Cayetano, nais daw niyang magkaisa ang mga senador sa isang “deliberate act” upang maipakita sa publiko ang kahalagahan ng Senado bilang isang independiyenteng sangay ng pamahalaan.

KAUGNAY NA BALITA: SP Cayetano hinamon, kinalampag ang minority bloc: 'Will you stand for the Senate’s independence?'

Sa naging tugon naman ni Lacson sa kaniyang social media post, partikular sa kaniyang X account, nitong Martes, Hunyo 2, sinabi niyang hindi raw ikinataas sa batas ng mga senador at ni Cayetano ang pagsusulong ng kasarinlan ng Senado. 

National

'Kasintapang ng Philippine heroes?' Kiko Barzaga, kumuda sa pagsuko ni Sen. Jinggoy

“Standing up for the Senate’s independence does not place SP Cayetano and any senator above the law. It has nothing to do with non-adherence to the rule of law,” buwelta niya. 

Screenshot mula “X” post ni Lacson.

Ani Lacson, hindi raw maisasalba ng pagpapabaya ng mga senador sa kanilang tungkulin ang hindi pagkakasunduan ng majority at minority bloc na nagdudulot sa pagkaantala ng pagsusulong nila ng mga batas. 

“Dereliction of duty will not solve this partisan gridlock. Its sole purpose is to hold legislation hostage,” pagtatapos pa niya. 

Pagkatapos ito ng naging kusang pagsuko ni Sen. Jinggoy Estrada sa Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) matapos ang kaniyang naging press conference sa Senado noon ding Lunes, Hunyo 1, nang muling maglabas ang Sandiganbayan ng ikalawang warrant of arrest laban kay Estrada kaugnay sa non-bailable case niya sa kinakasangkutan niyang maanomalyang flood control projects.

Noong Biyernes, Mayo 29, naghain ng ₱90,000 piyansa si Estrada para sa graft na isinampa rin sa kaniya ng Ombudsman. Kasunod nito, muli siyang naglabas ng pahayag at nanindigang walang mga tayan ang lahat ng inaakusa laban sa kaniya.

Kasalukuyan namang nagtatago pa rin sa mga awtoridad ang isa pang miyembro ng majority bloc na si Sen. Ronald “Bato” dela Rosa sanhi ng inisyung warrant of arrest ng International Criminal Court (ICC) laban sa kaniya. 

KAUGNAY NA BALITA: ‘I stand my ground!’ Sen. Jinggoy, niligawan daw ng minority bloc kapalit ng pag-abswelto sa kaso