IPINAGDIRIWANG ang National Day of Bhutan, ang pinakamahalagang national holiday ng kanilang bansa, tuwing Disyembre 17 ng bawat taon. Ginugunita nito ang araw noong 1907 nang koronahan si Gongsa Ugyen Wangchuck, ang unang Druk Gyalpo (Dragon King) ng modernong Bhutan. Nagtulungan ang mga hari ng Bhutan, ang pamahalaan, at mga mamamayan sa pagtatatag ng kanilang bansa at pagpapanatili ng kapayapaan at kasaganahan na kanilang masayang tinatamasa ngayon.
Para sa mga mamamayan ng Bhutan, kasabay ng 2016 - Taon ng Fire Monkey – ang taon ni Guru Rimpoche, ang Indian Buddhist master na dumating sa Bhutan noong ikawalong siglo; at ang ika-400 taon simula si Zhadrung Ngawang Namgyel ang nagpasimula ng paggulong ng “dual system of governance in Bhutan.” Si Zhadrung Ngawang Namgyel ay isang Tibetan Buddhist Iama na kinikilalang nagpasimula ng pagkakaisa ng Bhutan bilang estado.
Pangungunahan muli ni Kanyang Kamahalan Fifth Druk Gyalpo, kasama ang iba pang mga miyembro ng Royal family ang pagdiriwang ng National Day ng Bhutan. Makakasama niya ang senior government officials at mga miyembro ng parlamento.
Karaniwan na pangunahing tampok sa selebrasyon ang talumpati ni His Majesty sa bansa; prusisyon na binubuhat ang estatwa ni Ugyen Wangchuck bilang pagbibigay galang sa unang Dragon King ng Bhutan at ng independent Bhutanese nation; paggawad ng life service awards sa mga retiradong civil servant bilang pagkilala sa kanilang dakilang paglilingkod sa bansa.
Ang Bhutan ay isang Buddhist kingdom sa silangang bahagi ng Himalayas. Pinaniniwalaan na nanggaling ang pangalan na ito sa Sanskrit na Bhotanta na nangangahulugang “the end of Tibert” o ang Sanskrit na Bhu-attan na nangangahulugang “highlands.” Tahanan ito ng soberanyang estado sa pinakamatataas na hindi pa naaakyat na tuktok ng bundok sa buong mundo na Gangkhar Puensum, bundok na itinuturing na sagrado ng mga Bhutanese kaya ipinagbawal ng gobyerno na akyatin ang tuktok ng bundok na lalagpas ng 19, 685 feet. Minsang kinikilala ng Bhutanese ang kanilang bansa bilang “Druk Yul,” nangangahulugang “the Land of the Thunder Dragons,” dahilan marahil sa matitindi at malalakas na bagyong tumatama sa kabilang bansa mula sa Himalayas.
Kabilang sa mga bansa sa mundo na bago pa lamang nakakamit ang demokrasya, kilala ang Bhutan sa pagkakaron ng bagong paraan upang masuri ang progreso sa tulong ng National Happiness measure. Kilala ang Thumphu, kabisera at pinakamalaking lungsod ng bansa sa mga monastery, fortresses (o dzongs) at mayroong mayamang lupain mula sa subtropical plains hanggang sleep mountains at valleys. Sa isang travel advisor, inilalarawan ang Bhutan bilang “an attainable paradise on earth, an accessible Shangri-La.”
Binabati namin ang mga mamamayan at gobyerno ng Bhutan sa pangunguna ng Kanyang Kamahalan King Jigme Khesar Namgyel Wangchuch sa pagdiriwang ng kanilang ika-109 National Day.