OMAHA, Neb. (AP) — Sa batas pantay-pantay ang lahat, kahit sa isang world boxing champion.

Ito ang butil na aral para kat WBC champion Terence “Bud” Crawford matapos masentensyahan ng 90 araw na pagkakakulong nitong Huwebes (Biyernes sa Manila bunsod nang pangugulo na kinasangkutan sa isang body shop.

Kaagad namang nagbyad ang kanyang legal counsel na si Matthew Kahler ng US$10,000 bond para sa pansamantalang kalayaan ni Crawford habang dinidinig ang isinumiteng apela.

Pinangaralan ni Douglas County Judge Marcena Hendrix si Crawford, at tahasang sinabi ni walang mas mataas sa mata ng batas.

Mentor era? John Amores, nagtuturo na ng 'shooting skills' sa aspiring players

Napatunayang nagkasala si Crawford ng ‘disorderly conduct at damage to property’ sa isang body shop kung saan napinturahan ang kanyang 1984 Chevrolet Monte Carlo.

“This is his first and only adult conviction of any significance, and for crimes of disorderly conduct and property damage it’s an abnormally high sentence,” pahayag ni Kahler.

“It’s the most significant sentence I’ve seen from that judge for those charges.”

Nitong nakaraang Sabado, pinasuko ni Crawford si John Molina Jr. sa ikawalong round para mapanatili ang WBO at WBC 140-pound title.