KNOXVILLE, Tenn. (AP) – Isang may sakit na 5-anyos na lalaki ang namatay habang yakap si Santa Claus matapos tanggapin ang kanyang regalo sa isang ospital sa Tennessee.

Iniulat ng Knoxville News-Sentinel na si Eric Schmitt-Matzen, nagdadamit-Santa sa halos 80 okasyon kada taon – na ilang linggo na ang nakalipas ay hiniling sa kanya na bisitahin ang naghihingalong bata.

Ayon kay Schmitt-Matzen, binigyan niya ang bata ng laruan, at niyakap siya nito sabay tanong na “Santa, can you help me?’’. Kasunod nito ay nalagutan ng hininga ang bata.

Sinabi ni Schmitt-Matzen na ilang araw niyang dinamdam ang pangyayari, ngunit patuloy pa rin siya sa pagganap bilang Santa.

Internasyonal

Labi ng Pinoy na binitay sa Saudi Arabia, bawal iuwi sa Pilipinas; 9 na Pinoy nasa deathrow pa