MUSIKA, masayang samahan, at malamig na simoy ng hanging amihan dahil sa papalapit na Pasko — lahat ng mga ito sa ilalim ng mga bituin. Ganito ang nasaksihan sa ‘Amaia Acoustic Evenings’ sa Amaia Scapes properties sa Hilagang Luzon nitong Oktubre.

Upang maipadama sa mga nais bumili ng Amaia units ang komportableng pamumuhay sa Amaia Scapes, nagkaroon ng acoustic nights o gabi ng musika sa kanilang sites sa Bulacan; San Fernando City, Pampanga; Capas, Tarlac; Urdaneta, Pangasinan at Cabanatuan City, Nueva Ecija.

Ang ang regional sales head ng North Luzon na si Ching Higino ang tumanggap ng mga bisita sa iba’t ibang site ng kompanya.

“Hindi tulad ng ibang Amaia events na ginagawa namin sa araw, naisip naming magkaro’n ng acoustic sa gabi para bigyan ang mga kliyente ng ideya kung paano ba ang environment sa Amaia Scapes,” sabi ni Higino.

Tsika at Intriga

Vice Ganda, sinabing hindi kamangmangan tunay na kalaban ng edukasyon

Dumalo ang iba’t ibang bisita at kanilang mga pamilya—lahat mula sa mga karatig-bayan — sa acoustic evenings na ito.

Tumutugon din ito sa hangarin ng Amaia Land na makapagbigay ng magandang buhay at bahay sa mga Pilipino — mga guro, may-ari ng maliliit na negosyo, empleyado ng gobyerno, at nagsisimulang mga pamilya. Para masiguro ang kaligtasan at seguridad sa lahat ng proyekto ng Amaia Scapes, maiging binabantayan ang mga ito ng Ayala Property Management Corp.