Isasagawa sa darating na weekend ang culminating activity ng family-oriented at community physical fitness grassroots sports development program ng Philippine Sports Commission (PSC) na Laro’t-Saya sa Parke, PLAY “N LEARN sa Disyembre 17-18 sa San Juan City at Luneta.

Kasama ang mga sports na badminton at volleyball pati ang pinakaaabangan kada taon na Zumba marathon ang gaganapin sa Pinaglabanan Shrine sa Disyembre 17 na magsisimula sa ganap na alas-5 ng umaga.

Paglalabanan naman sa Burnham Green sa Luneta Park sa Disyembre 18 ang mga sports na badminton na may beginner at advance division, ang football at volleyball pati din ang tampok na Zumbathon.

Isasagawa naman ang aktibidad para sa mga senior citizen na isang kilometrong breeze walking at leasure jog sa Walk A Mile with the Senior Citizen sa Disyembre 23 sa Queen City of the South na Cebu at ang dinarayo at kilala sa pinakamasasarap na bangus na siyudad ng Dagupan sa Pangasinan.

Romualdez, pinasalamatan tennis player na si Alex Eala

Samantala, umabot sa kabuuang 373 katao ang nagpartisipa sa Laro’t-Saya sa Quezon City Memorial Circle ay may badminton 5, football 19, volleyball 8, Zumba senior 11 at Zumba 330.

Umabot sa 908 ang sumali sa Laro’t-Saya sa Luneta na may 17 sa arnis, 48 sa badminton, 75 sa football, 16 sa karerado, 32 sa lawn tennis, 69 sa volleyball, 6 sa senior citizen at 645 sa Zumba.

Mayroon na 391 katao ang sumali sa Laro’t-Saya sa San Juan na 256 sa Zumba, 20 sa senior citizen Zumba, 42 sa badminton, 10 sa football, 15 sa taekwondo, 20 sa arnis at 28 sa volleyball para sa kabuuang 391 katao.

Paglalabanan sa Zumbathon ang mga age categories na 18-40 years old at 41-55 years old na may nakatayang premyo sa male at female na P1,000 sa champion, P750 sa ikalawa at P500 sa ikatlo.

Isasagawa rin ang torneo sa badminton sa mga beginners at advance na may maiuwi rin na P1,000 sa champion, P750 sa ikalawa at P500 sa ikatlo. May P1,500 sa first, P1000 sa second at P500 sa third sa football at volleyball.

(Angie Oredo)