August 12, 2026

Home BALITA Politics

Sen. Raffy, sinupalpal si Sen Pia: 'Never ako nagdrama dito, tumingin muna kayo sa salamin!'

Sen. Raffy, sinupalpal si Sen Pia: 'Never ako nagdrama dito, tumingin muna kayo sa salamin!'
Photo courtesy: Screenshot from Senate of the Philippines (FB)

Binuweltahan ni Sen. Raffy Tulfo si Sen. Pia Cayetano sa naging pasaring nito sa kaniya na "nagdadrama" siya, sa naganap na plenary session sa Senado nitong Martes, Agosto 11.

Nag-ugat ito sa himutok ni Tulfo tungkol sa usapin sa pagkakatalaga ng mga miyembro ng minority bloc sa mga komite na pinamumunuan ni Sen. Alan Peter Cayetano.

Nagsimula ang tensyon nang ihayag ni Tulfo ang kaniyang reklamo na umano’y hindi pa nagbibigay ng go-signal si Sen. Alan sa pagkakatalaga ng mga miyembro ng minority bloc sa mga komite sa ilalim ng kaniyang pamumuno.

Sa gitna ng kaniyang pahayag, inihalintulad ni Tulfo ang sitwasyon sa tila “pangho-hostage” sa mga miyembro ng minority.

"What disturbs me is that it is the inaction of the Minority Floor Leader to confirm these memberships that holds important LEDAC bills hostage, such as the Department of Water, crucial franchise bills, and the OFW reintegration bills," anang Tulfo.

Politics

'Wag na magdrama ng pa-hostage-hostage!' Sen. Raffy, Sen. Pia nagkainitan dahil kay Sen. Alan

"To my colleagues in the minority, maraming-maraming salamat po for confirming your intent to join my committee. But to the Minority Leader, my good friend, Senator Alan Peter Cayetano, it is time that we cooperate so that we may get back to legislating."

"If you have time to go on FB (Facebook) Live, maybe you have time to confirm or give the go signal to your minority members."

"Kasi, Mr. President, pabalik-balik na po yung staff ko sa office ni Senator Peter Alan Cayetano para kumuha ng go signal, nang sa gayon, yung kaniyang mga members ay ma-elect na sa committee ko. And all of them were saying, 'We're more than happy and willing to sign,” pero ayaw ni Senator Cayetano, Alan Cayetano."

"I don't know anong dahilan niya bakit niya hino-hostage yung pagiging members ng kaniyang mga kasamahan sa committee ko. Hino-hostage niya po yung mga LEDAC bills sa kaniyang pagtanggi na bigyan ng go signal ang kaniyang mga kasamahan sa minority para pumirma.

"Mr. President, sana makarating ’to kay Senator Alan Peter Cayetano. Kanina sana kausapin ko po siya kaso wala po siya dito ngayon. Therefore, I have no choice para dalhin ’to sa floor," aniya pa.

Dito naman sumabat si Sen. Pia upang ipagtanggol ang kaniyang kapatid na si Sen. Alan.

“Senator Tulfo, madali n’yo naman akong tanungin, alam n’yo namang kapatid ko si Alan kung may gusto kayong iparating. Huwag na ho kayo magdrama ng pa-hostage-hostage, hindi ho tayo ganito rito,” anang senadora.

Giit pa niya, sa tagal raw niya sa Senado, ngayon lang daw siya nakarinig ng mga ganoong klaseng pahayag.

Hindi naman pinalampas ni Tulfo ang naturang pahayag at mariing itinanggi na nagdadrama siya sa plenaryo.

“Never po ako nagdrama dito,” sagot ng senador.

“Sino ang nagdadrama? Tumingin muna kayo sa salamin bago kayo magsalita," aniya pa.

Maki-Balita: 'Wag na magdrama ng pa-hostage-hostage!' Sen. Raffy, Sen. Pia nagkainitan dahil kay Sen. Alan

Matatandaang binanatan si Sen. Pia nang pagiging "madrama" matapos niyang mapaiyak sa plenaryo noong Mayo dahil wala aniyang nangumusta sa kanilang noo'y majority bloc, nang magkaroon ng pag-atake sa Senado.

Maki-Balita: Sen. Pia Cayetano: 'Kumusta na po kayong lahat?'

Samantala, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang reaksiyon, tugon, o pahayag si Sen. Alan laban sa mga naging pahayag ni Sen. Raffy.