kim-at-kanyeNANG gumaling si Kanye West at lumabas ng ospital kamakailan, kumalat ang mga haka-haka na nais nang makapaghiwalay sa kanya ni Kim Kardashian. Ayon sa Us Weekly, nais makipagdiborsiyo ng reality star, ngunit sinabi naman ng source na, “It will take some time before she can do anything.”

Sumang-ayon din ang isang insider sa Yahoo Celebrity, na nag-ulat na ang sikat na mag-asawa ay “had problems for a while… before his breakdown.”

“I wouldn’t be surprised if they can’t recover from the strain of the past several months,” saad ng source, na nagpapahiwatig na may marital issue na ang dalawa bago pa man ninakawan at natutukan ng baril si Kim sa Paris noong Oktubre.

Bagamat lumabas na sa ospital ang Famous rapper, patuloy pa rin siyang nasa outpatient care malayo kay Kim at kanilang dalawang anak na sina North, 3-anyos, at Saint, isang taon gulang. Sinabi naman ng isa pang source ng Yahoo Celebrity na ang usap-usapang dibosiyo ay “way too premature” at ang “their kids are Kim’s main priority.”

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“Right now she’s just focused on what’s best for [North and Saint] regarding their living situation,” sabi ng insider, na malapit sa mag-asawa. “She’s happy Kanye is getting help and is still standing by his side.”

Bagamat hindi tutungo si Kim sa korte para sa kanilang diborsiyo sa lalong madaling panahon, kumuha ng abogado si Kim laban sa fiancée ng kanyang kapatid na si Blac Chyna.

Ayon sa mga dokumentong nakuha ng TMZ, sinusubukan nina Kim, Khloe, at Kourtney na harangin ang kahilingan ni Chyna na magkaroon ng trademark na “Angela Renee Kardashian.”

Kapapanganak lang ngayong buwan ni Chyna, na may 4-anyos na anak kay Tyga (kasalukuyang boyfriend ni Kylie Jenner) sa babaeng anak na si Dream na ang ama ay si Rob Kardashian. Nagsasama na sina Rob at Black at napapabalita na magpapakasal sa kabila ng kanilang on-again at off-again na drama.

Ayon sa mga dokumento, naniniwala ang magkakapatid na Kardashian na kung magpapatuloy ang trademark, “(they will) suffer damage including irreparable injury to their reputation and goodwill.” Naniniwala rin sila na si Chyna ay “deliberately seeking to profit from the goodwill and popularity” ng apelyidong Kardashian.

“Their trademark attorneys automatically oppose anyone trying to trademark ‘Kardashian,’” saad ng source. “I doubt the girls were even aware. Everyone loves each other. It’s just business.” - Yahoo Celebrity