NAULIT ang pagsusuot ng two-piece ni Andrea Torres sa Alyas Robin Hood sa eksenang face off nila ni Megan Young.

Pareho silang nakapulang two-piece na pareho pa ng style, at isa ‘yun sa inabangang eksena ng mga viewers na hindi na-disappoint dahil paseksihan at mainit ang eksena.

Ipinaalala namin kay Andrea ang sinabi sa presscon ng action series na isang beses lang siya magtu-two-piece, pero hindi niya mapahindian ang request ni Direk Dominic Zapata. Lubhang kailangan din kasi sa eksena para ma-establish ang karakter niyang sexy thief.

“Bawal ang humindi sa swimsuit scene and mostly, positive naman ang feedback. Hindi lang sexy ang dating ko, astig din daw at palaban. Wala naman akong angal at may trust ako sa mga ipinapasuot nilang two-piece sa akin,” sabi ni Andrea.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Nagkaisyu nga na dahil daw sa sexy outfits ni Andrea sa Alyas Robin Hood, nagselos sa kanya si Marian Rivera at nang dumalaw sa taping ay kinausap siya, bagay na itinanggi niya.

“Walang gano’ng nangyari na pag-uusap dahil nang dumating siya dala ang baby nila ni Kuya Dingdong (Dantes), wala pa ako sa set. Late call ako, ‘kinuwento na lang sa akin na dumalaw si Ate Yan. Okay kami ni Ate Yan, imposible ang sinasabi nila. Ang taas ng tingin ko sa kanya, sa kanila ni Kuya Dingdong. Sana ’wag nang gawan ng isyu, happy sila sa with their baby,” pakiusap ni Andrea.

Anyway, hindi masisira ng tsismis ang kaligayahan ni Andrea sa successful na first primetime show niya at tinanggap siyang leading lady ni Dingdong. Nakita rin kasi ng viewers na hindi lang puro pagpapaseksi ang alam niyang gawin.

“Kaya malaki ang pasasalamat ko sa Alyas Robin Hood dahil nakita ng viewers na puwede rin ako sa action. Nag-i-enjoy nga ako sa action at fight scenes. Natutuwa rin ako na Venus na ang tawag sa akin (pangalan niya sa show),” ayon pa kay Andrea. (NITZ MIRALLES)