TARLAC CITY - Isa sa apat na nagtangka umanong tumangay ng 26 na sasabunging manok ang grabeng nasugatan matapos barilin ng shotgun sa JPQ Game Fowl Farm sa Barangay Sto. Domingo, Tarlac City, nitong Lunes ng madaling araw.

Sa ulat kay Tarlac City Police chief, Supt. Bayani Razalan, binaril sa likod si Tacio Tupas, 60, may asawa, tubong Mandaue City, Cebu, habang nakatakas ang tatlo niyang kasamahan na tinutugis na ngayon ng pulisya.

Dakong 2:00 ng umaga at nag-iinspeksiyon sa compound ng farm si Joselito Ornopio, 41, may asawa, stay-in caretaker, nang nakita niya ang apat na lalaki habang tinatangay umano ang 26 na manok, na aabot sa P130,000 ang kabuuang halaga kaya nagpaputok siya ng shotgun. (Leandro Alborote)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog