Tatangkain ni Philippine light flyweight champion Lester Abutan na maagaw ang OPBF junior flyweight crown kay Ken Shiro sa kanilang pagtutuos sa Disyembre 8 sa Korakuen Hall, Tokyo, Japan.

Ito ang ikatlong pagkakataon na mapapasabak sa regional title fight si Abutan bagamat natalo siya sa kontrobersiyal na 10-round unanimous decision kay Nattthaphon Chaiudom noong 2015 sa sagupaang ginanap sa Bangkok, Thailand para sa WBC Youth minimuweight title.

Dumayo si Abutan sa Chian Mai, Thailand nitong 2016 ngunit muli siyang natalo sa mas kontrobersiyal na 12-round split decision kay Teeraphong Utaida kaya hindi niya naiuwi ang IBF Pan Pacific flyweight belt. Si Utaida ang tinalo ni Milan Melindo kamakaialn sa Cebu City para matamo ang interim IBF light flyweight crown.

Malaki ang mawawala kay Shiro kapag natalo kay Abutan lalo’t nakalista siyang No. 5 sa WBC, No. 9 sa IBF at No. 9 sa WBO sa light flyweight division at puwede nang kumasa sa world title bout.

PVL, ibinalandra eligibility rules sa foreign players; Alohi Hardy, ekis ngayong conference

May perpektong karta si Shiro na 8-0, kabilang ang apat na knockout, samantalang si Abutan ay may rekord na 11-5-3, tampok ang limang TKO. (Gilbert Espeña)