KAHIT lumabas na sa ospital si Kanye West, hindi pa rin niya kapiling ang kanyang asawa na si Kim Kardashian at ang kanilang dalawang anak.

Sinabi sa People ng isang source na malapit sa pamilya nina Kanye at Kim na pansamantalang nakabukod ng tirahan ang 39-anyos na entertainer sa kanyang pamilya dahil sa patuloy pa rin siyang ginagamot sa kanyang mental health issues paglabas niya sa Resnick Neuropsychiatric Hospital ng UCLA nitong unang bahagi ng linggo.

“He is receiving outpatient care else with a medical team,” saad ng source. “Kim still seems concerned but is supportive. They don’t know for how long Kanye will need outpatient care.”

Bagamat nasa tabi ni West si Kim, 36-anyos, habang siya’y nasa ospital, sinabi ng insider sa People na si Kim ay “overwhelmed” sa pangyayari at nag-aalala para sa kanilang anak na si North, 3-anyos, at Saint, 11 buwang gulang.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“She is very worried about the kids being around Kanye,” sabi ng insider, na idinagdag na hindi kasama ni Kardashian ang kanilang anak sa pagbisita niya kay West.

“There are frustrations and problems, like any relationship, but they love each other deeply,” saad ng source.

(People.com)