WALA pang nagiging boyfriend ang karakter bilang Georgia na ginagampanan ni Ryza Cenon sa Ika-6 Na Utos, ang bagong afternoon prime drama series ng GMA 7, kaya inusisa ang aktres kung paano niya inakit si Rome (Gabby Concepcion) hanggang sa naging mistress siya nito at naagaw niya sa asawang si Emma (Sunshine Dizon)?

“Hindi po ako marunong mang-akit ng lalaki,” natawang sagot ni Ryza. “Sinunod ko lang ang character sketch ko at ang script, with the help of our director, Ms. Laurice Guillen para magampanan ko ang role ko.

“Gusto ko namang ipakita na kaya ko ring gampanan ang story ng isang kept woman. Isa kasi akong ambisyosang interior designer dito. Ipakikita naman namin dito ‘yong side ng kabit kung bakit niya ginagawa iyon. Hindi namin sinasabi na tama ‘yung pagiging kabit, kumbaga mayroon din siyang emosyon, tao lang siya na nagmamahal lang.”

Alam ni Ryza noong magkakaroon sila ng confrontation scene ni Sunshine kaya pinaghandaan niya, lalo na ang pisikalan tulad ng sampal.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

“Pero hindi ko in-expect na magiging ganoon kalakas ang sampal niya. Umikot ang paningin ko, halos maduling ako. Tawa nga nang tawa si Sunshine nang mag-sorry siya sa akin at sabi niya, may daya pa raw iyong sampal niya. But it’s nice working with her and Gabby, ang dami kong natututunan sa kanila.”

Sa Lunes, December 5, na mapapanood ang pilot episode ng Ika-6 Na Utos pagkatapos ng Eat Bulaga. (Nora Calderon)