Umabot na sa 19 ang miyembro ng teroristang Maute Group na namatay sa pinaigting na opensiba ng military laban sa mga ito sa Butig, Lanao del Sur, iniulat ng militar kahapon.

Sinabi ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Spokesman Brig. Gen. Restituto Padilla na posibleng madagdagan pa ang bilang ng mga napatay dahil tuluy-tuloy ang operasyon ng militar.

Bukod sa mga namatay, lima pa ang nasugatan sa panig ng mga terorista at 13 naman sa panig ng mga sundalo.

Kasabay nito, may hinala ang Philippine National Police (PNP) at militar na Maute Group din ang nag-iwan ng bomba malapit sa embahada ng Amerika sa Roxas Boulevard sa Maynila, kahapon ng umaga.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Ayon sa pulisya, ang bomba—na matagumpay na na-detonate ng Manila Police District-Bomb Squad, ay gaya ng ginamit sa pagpapasabog sa night market sa Davao City noong Setyembre 2, na ikinamatay ng 15 katao at ikinasugat ng 70 iba pa.

(Fer Taboy)