MANGALDAN, Pangasinan – Isang babae ang nasawi habang 24 na iba pa, karamihan ay bata, ang nasugatan makaraang bumangga sa kongkretong bakod ang isang pampasaherong jeepney sa national road sa Barangay Amansabina sa bayang ito.

Sinabi ni Supt. Jeff Fanged, OIC chief of police sa bayang ito, na nangyari ang aksidente dakong 4:30 ng hapon nitong Linggo, na ikinasawi ni Mylene De Vera.

Ang jeep ay minamaneho ni Sandrom Correa, taga-Sta. Barbara, na nasugatan sa aksidente gaya ng mga pasahero niyang sina Dave Carbonello, 19; Rasley Cariazo, 17; Daverly Carbonillo, 17; Margie De Vera, 27; Prince Mac De Vera, 2; Jerry Martinez, 44; Joey Malucso, 50; Aleah Joy, 4; Desaryn Carbanillo; Joshua Asares, 16; Delia Carbonillo, 41 anyos.

Sugatan din sina Antonio Carbonillo, Priscila Asarez, Darwin Asarez, 12; Jessica Martinez Cruz, 11; Mark Tristan De Vera, 11; Jay Boy Asores, 8; JR Martinez, 3; Christina Martinez, 5; Nico Martinez, 8; Regina Martinez, 33; Nora Martinez, 44; Gino Martinez, 22; Jun Jun Martinez, 19; at Roberto Martinez, 33, pawang taga-Bgy. Marunong, Sta. Barbara. (Liezle Basa Iñigo)

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?